Takbuhin ko, Patungo Sa'Yo (Spoken Poetry)
This spoken poetry was written as a piece for our office Christmas party presentation.
Takbo, ako ay tumakbo Papalapit patungo sa inakalang langit Totoong kasiyahan ang hinahanap kong pilit Inasam-asam ninais kong makamit Puso'y parang laging may ramdam na pananabik. Hanggang isang tinig aking narinig Sa labis na lambing ako ay kanyang naakit Inakala kong iyo na ang tuluyang sa akin Magbibigay saya, magbibigay pag-asa Ngunit ako'y nabigo May kulang pa rin sa aking puso. Nagpatuloy ako sa aking paglalakbay Hanggang masumpungan isang taong aalalay Napawi ng saglit itong nadaramang lumbay Ngunit ligaya ay panandalian lamang pala Lumisan din siya, gaya ng iba At ako, ako ay nalugmok nawalan ng sigla Nalunod sa pait, nilason ng pasakit Kailan, hanggang saan at bakit Mga katanungang sa isip 'di mawaglit. Nakaramdam ako ng pagod, oo, ako ay napagod Na parang hindi ko na kaya at ako ay susuko na Saglit akong huminto, ako ay namahinga At doon ako ay kinatagpo Niya Sa hindi inaasahang pagkakataon, Siya ay dumating Ang hinahanap kong langit, natagpuan sa Kanyang piling Pangungulila sa puso, Siya ang nagpuno Nilingap, dinamtan, binago, Ginawa Niyang buo ang isang ako. Ngayon ako ay nagpapatuloy, hindi sa paghahanap, hindi rin sa pagpapanggap Kundi sa bagong buhay at pag-asang Kanyang dinala Maraming mang pagsubok, kahapon man ay magmulto at pilit subukan akong igapos Sa Kanya ang totoong tinig na dapat pakinggan Siya ang pagmamahal Siya ang pagmamahal na kailanman ay di mang-iiwan Pangungulila at kasinungalingan ay wala sa Kanya sapagkat Siya ang katotohanan At ako, ako ay narito, naghihintay, nasasabik Nag-aasam sa Kanyang muling pagbabalik. Upang makapiling Siya, hindi lang dito sa mundong para sa akin ay ginawa Niyang Langit nang Siya ay makilala, Ngunit doon sa Habang buhay, sa Langit kung saan naroroon ang Ama.
Please feel free to use it.
More contents coming.
Straight from His Heart,
Joei

Comments
Post a Comment